Features

Pagmano, Pagsabi ng 'Po' at 'Opo'

Pagmano, Pagsabi ng "Po" at "Opo" 
Ilan lamang ito sa maraming paraan para maipakita natin ang ating paggalang at pagmamahal sa mga nakatatanda sa atin. 
Ngayong ipinagdiriwang ang Elderly Filipino Week ay ipinapaalala sa ating mahalin at galangin ang mga lola at lolo na nagsakripisyo para sa ikabubuti ng kanilang pamilya at ng kanilang komunidad.
Ang pagbigay ng bulaklak, paboritong pagkain o kaya'y halik sa noo ay siguradong ikatutuwa nila.
Isang magandang halimbawa naman ang ipinakita ng mamamayan ng Brgy. Araw at Bituin sa Lubang, Occidental Mindoro ang pagpapatatayo ng isang Senior Citizen Activity Center bilang kanilang sub-project. Ito ay upang magkaroon ng maayos na pagdarausan ang mga lola at lolo kung mayroon man silang pagtitipon. Makikita sa larawan ang dalawang masayang lola habang idinaraos ang blessing ng kanilang center. #
(Kuha ni Janina Villapando)